blooog, list :)

Monday, October 4, 2010

why me ?


PROBLEMA!!! PROBLEMA!!! at isa pang PROBLEMA!!!

Lahat tayo dumadanas ng problema sa buhay natin… may malaki yung tipo bang kasing laki ng bilbil ng kapitbahay namin, may problema naman na masasabi mong simple lang, may mga problema din na kahit anong gawin mo eh parang tuko na ayaw kang hiwalayan… yung paulit ulit na lang…

Wag kayong mag taas kilay kasi wala naman akong problema… siguro meron pero di naman gaanong ka tindi… kaya ko pa naman eh… Napapansin ko lang kasi na pag may problema ang tao… kung saan saan humuhugot ng lakas at payo… minsan sa kaibigan, sa magulang, sa titser mo, sa kapatid… at kung kani-kanino pa.

Alam kong di naman masamang humingi ng payo sa kanila… pero minsan nakakalimutan lang natin na unang humingi ng tulong kay BRO… kahit ako mismo nakakalimot palagi… minsan na aalala ko lang siya pag may isang bundok na naman akong problema at tipo ba na nagkakawindang windang na naman ako.

Ano ba point ng post na ito? Ewan.. actually parang 2nd time ko pa lang mag post bout sa pananalig ko… gusto ko lang ibahin nag konti ang ihip ng hangin dito sa blog ko….


*magiging okay din ang lahat just TRUST HIM….

No comments:

Post a Comment